Halalan 2007
Naninikip na mga daan, siksikan na mga sasakyan, maraming hinuhukay na kalye at lansangan at maalikabok ang kapaligiran. Sinasabi ng mga iba na ito ay rehabilitasyon ng mas magandang serbisyo ng tubig sa Metro Manila, pero ang sabi ng mas nakararami eto ay senyales ng nalalapit na ang eleksyon. Ang halalan ay isa sa mga mahalaga at masayang pangyayari sa ating bansa, sa iba ang eleksiyon ay ginagawang pagkakakitaan. Marami sa mga tumatakbong kandidato ay narinig at napapanood na natin marahil sa radyo at telebisyon kung ano ang kanilang plataporma. Pero ang malaking katanungan sila ba ay karapat dapat sa kanilang posisyon na tinatakbuhan.
Noong Marso 4, 2007 sa taunang pagtitipon ng lahat ng VCF Metro Manila sa Araneta Colisuem si Pastor Jun Escosar ay may binasa at inisplika patungkol sa katayuan ng VCF sa pagiindorso ng isang kandidato. 
VCF political endorsement policy:
1. We encourage all VCF members, including pastors and staff, to get as involved in the political process as their schedule permits. We cannot be salt and light from the sidelines. We must get in the game and get involved.
2. We will not allow any VCF leader or member to use the pulpit, discipleship group, prayer meeting or Victory name to promote or endorse a candidate or a political party. We will use the pulpit, discipleship groups and prayer meetings to give a biblical perspective to specific issues without reference to personalities and parties. We will also use the pulpit, discipleship groups and prayer meetings to inspire, train and disciple future leaders who will one day run for office.
3. There will be one exception to our “no endorsement” policy. We feel it is our right and responsibility as a church family to endorse the character and integrity of long-time church members who are running for office. We hope that one day there will be many Victory members serving God and country in all levels of civil government.
Righteousness exalts a nation, but sin is a disgrace to any people. (Prov. 14:3)
Ikaw, kayo, tayong lahat sino ang napupusuhan mo at iboboto sa Mayo 14, 2007?
Note: Isinulat ko ito bago maghalalan noong 2007. Sa susunod na taon (2010) tayo na naman ay nahaharap sa malaking at matinding pagsubok at hamon sa pagpili ng susunod na mamumuno sa ating bansa. Ang Pilipinas ay nahaharap ulit sa tatag ng ating demokrasya.
P.S. Sa susunod na blog ay tatalakayin ko ang election 2010…

Napaka-gandang pag-papalala sa mga botanteng Pilipino. Na ngayon pa lang ay dapat nang pag-isipan sino ba ang kanilang ihahalal sa 2010 election. Hindi natin dapat hayaan ang “kapalaran”. Ang pagboto ay isang karapatan na taglay ng bawat Pilipino. Huwag sana natin sayangin ang pagkakataong gumawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng ating pagboto. Mabuhay ang Pilipinas!
nasa ating mga kamay ang pagbabago ng ating bansa sa gabay at tulong ng Panginoong Diyos. tayo’y magparehistro at bumoto ayon sa kapasidad at karakter ng isang politico.
dapat lahat ng pilipino ay makilahok sa susunod na eleksyon at magsimula ng magrehistro…
dapat lang na manguna ang mga taong meh integridad, panginoon, at prinsipyo sa pamamalakad ng bansang ito!